NAGPULONG ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) upang magsanib puwersa para tiyakin na magiging maayos at mapayapa ang gagawing May 2022 National and Local Elections.
Nabatid na ito ang pangunahing agenda sa isinagawang National Joint Peace and Security Coordinating Council (JPSCC) Meeting na ginanap sa Camp Crame sa Quezon City.
Kasama sa pagpupulong sina AFP Chief of Staff Lt Gen Andres C Centino,PNP Director General Dionardo Carlos at PCG Commandant CG Admiral Leopoldo Laroya.
“I have given express order to all AFP units, to some I have delivered in person, to give our all-out support and ensure that Filipinos will have a safe and secure environment to exercise their right to choose their leaders,” ani Centino.
Nakapaloob sa nasabing pagpupulong ang updating ng kanilang intelligence, operations, civil and community relations, legal at investigation, and training and education programs.
Si Chairman Sheriff M. Abas ng Commission on Elections ang kinatawan ni Atty Fritzie Claire Casiño-Caigoy upang magpaliwanag hinggil sa mga salient provisions ng COMELEC Resolution No. 10725 o , “Rules and Regulations on Local Absentee Voting in Connection with the May 9, 2022 National and Local Elections.”
Ang nasabing resolution ang nagbibigay ng mga gabay kung paano makakaboto ang mga government officials at mga employees, members ng AFP, PNPat maging mga kasapi ng media na itatalaga o makakatangap ng election duty.
Natalakay sa pagpupulong ng mga co-chairpersons at nilagdaan din ang JPSCC Resolution na kumukumpirma sa dismantling ng apat na guerilla fronts ng communist terrorist group (CTG) at paghina ng iba pang NPA guerilla front gayundin ang pagkawasak ng isang verticle guerilla front na makakatulong para magkaroon ng secure environment sa ilang lugar sa kanayunan.
“It is indeed commendable to note the staunch commitment of our respective organizations towards the realization of our shared aspirations of defeating the enemies of the state, and in maintaining peace and security in our communities,” ani Centino.
“As the representative of the AFP and as the co-Chair of the National JPSCC, I assure you that we shall remain supportive and collaborative with the PNP and the PCG in the conduct of their respective Security or Law Enforcement operations. Furthermore and more importantly, we will continue to advance our interoperability and forge stronger ties and cooperation,” dagdag pa ng heneral. VERLIN RUIZ