CAMP AGUINALDO – NANAWAGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga Filipino sa Middle East na umuwi na upang hindi mabiktima sakaling lumala pa ang US-Iran tension.
Sa panayam kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, sinabi nitong habang hindi pa malala ang sitwasyon sa Middle East ay umuwi na ang mga OFW.
“Huwag po sana doon sa puntong talagang gipit na ‘yung sitwasyon at nagpuputukan na, saka tayo hihingi ng saklolo upang mailigtas,” ayon kay Arevalo.
“By that time, alanganin na po tayo dahil marami na po ang hihingi ng tulong…Habang mayroon pang espasyo para tayo ay gumalaw, makipag-coordinate na po tayo,” dagdag pa ni Arevalo.
Ipinaalala pa ng military official na kapag full-blown na ang giyera, ang transportasyon ay paralisado dahil nakasara ang mga kalsada, tulay at pantalan. EUNICE C.
Comments are closed.