CAMP AGUINALDO – NAKAHANDA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magtalaga ng mga sundalo sa Bureau of Customs (BOC).
Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong mga sundalo na ang mangasiwa sa BOC dahil sa mga kontrobersiyal na pagkakasangkot sa drug smuggling ng mga opisyal at tauhan nito.
Ayon kay AFP Spokesperspon Brig. Gen. l Edgard Arevalo, ibibigay ng AFP ang kinakailangang tauhan ng bagong talagang BOC Chief na si dating General Rey Leonardo Guerrero.
Bagaman wala pa aniyang hinihiling na eksaktong bilang ng mga sundalo ang BOC, sinabi ni Arevalo na manggaling sa Philippine Army, Philippine Airforce, Philippine Marines at Philippine Navy ang mga itatalagang sundalo sa BOC.
Hindi naman matukoy ni Arevalo kung gaano katagal mananatili sa BOC ang mga itatalagang sundalo.
Subalit, nilinaw nitong isa sa mandato ng AFP ay tumulong sa anumang ahensiya ng gobyerno katulad ng BOC para sa kapakanan ng taong bayan.
Sa ngayon, nagpapasalamat sila sa Pangulo dahil sa tiwala nito sa integridad at kapasidad ng militar. R. SARMIENTO
Comments are closed.