AFP UMAASA NA HINDI MAITSAPWERA SA SONA

UMAASA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines masasama sila sa mga inilatag na agenda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ngayong Lunes.

Ayon kay Col. Francel Margareth Padilla , AFP spokesperson na alam nila may mga current national priorities at umaasa silang posibleng mabanggit ang Sandatahang Lakas at ang kasalukuyang peace and order situation sa bansa at mga current issues at challenges na kinakaharap sa kasalukuyan.

“It’s reasonable po to anticipate na may mga key themes po dun to include of course sa sandatahang lakas ng Pilipinas,” ani Col Padilla

Umaasa ang hukbo na mababangit din ng Pangulong Marcos ang pagpapaigting sa national security, at pagpapalakas sa defense capabilities ng AFP .

“We do not want to preempt kung ano po ang sasabihin ng ating pangulo but we are anticipating po ano na he’s going to give ano po ano updates on ongoing initiatives po ano, current national priorities natin and its reasonable po to anticipate na may mga key themes po dun to include of course sa sandatahang lakas ng pilipinas ang inaanticipate po natin is bolstering national security po and enhancing defense capabilities na rin so andyan po yung ating modernization projects over and above of course yung sa advancing ang mga, economic recovery and furthering our developments po,” aniya.

Samantala, inihayag din ni Col. Padilla na all system go ang AFP sa kanilang inilatag na paghahanda kaugnay sa SONA ng Pangulong Marcos.

Inihayag ng taga pagsalita na naka heightened alert ang kanilang buong puwersa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa buong bansa kaugnay sa SONA ni PBBM.

Sinasabing may sapat na puwersang itinalaga ang AFP para ayudahan ang Philippine National Police at tumutulong sa law enforcement activities

‘So in terms of security po nakahanda na po tayo na magbigay ng additional troops kasama po ang ating PNP ano, over and above that nagsalita na rin po ang ating PSG Commander na there is no threat to the president and then they are also ano po ready na rin po to perform our mandate in securing the president po ano and other dignitaries for this upcoming SONA, ani Padilla.
VERLIN RUIZ