AFRICAN SWINE FLU SA BABOY LAMANG NAKAAAPEKTO—BAI

AFRICAN SWINE FEVER-2

NILINAW ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ang African Swine Flu (ASF) ay posibleng makaapekto lamang sa mga baboy sa bansa.

Ayon kay Dr. John Roel Hilario ng Regional Veterinary Quarantine Office VI ng BAI, sinabi nito na ang African swine flu ay makakaapekto lamang sa baboy at hindi nakakahawa sa mga tao.

Ayon kay Hilario, malaking dagok para sa gobyerno sakaling umabot sa Filipinas ang nasabing virus dahil 100% na maaapektuhan ang livestock industry ng bansa.

Kabilang sa mga sintomas ng African swine flu ay ang pagkawala ng gana sa pagkain, panghihina ng katawan, lagnat, ubo, diarrhea at pag-iba ng skin color ng alagang baboy.

Sa kasalukuyan aniya, may inilatag na istratehiya ang ahensya sakaling makapasok sa bansa ang ASF.

Ang nasabing hakbang ay tinatawag na BABES na nangangahulugang “Ban of pork import, Avoid feeding, Block international airports and seaports, Educate the public, Submit samples.”

Napag-alaman na ipinagbawal muna ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng canned meat kagaya ng Ma Ling, dahil na rin sa nasabing isyu. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.