AFTERSHOCKS NG 6.1 MAGNITUDE QUAKE NAITATALA PA RIN NG PHIVOLCS

lindol

QUEZON CITY – PATULOY pa ring nararamdaman hanggang ngayong Linggo ang aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon nitong Lunes, Abril 22.

Batay sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 828 aftershocks pa ang naitala kung saan 10 rito ang naramdaman.

Napag-alamang na ang mga aftershocks na ito ay may lakas na umaabot mula magnitude 1.4 hanggang 4.5 na lindol, at may Intensity mula 1 hanggang 3.

Umabot naman sa 18 katao ang nasawi habang 243 ang nasugatan sa naturang malakas na lindol na ang epicenter ay sa Castillejos, Zambales.

Nasa limang katao pa ang patuloy na pinaghahanap sa Region 3. Sinabi ng NDRRMC, 3,632 pamilya o 17,410 indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa Region 3. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.