AFTERSHOCKS PA RIN SA ITBAYAT

AFTERSHOCK

NAKARANAS pa rin ng mga aftershock ang bayan ng Itbayat, lalawigan ng Batanes isang linggo mula nang tumama ang malalakas na lindol doon.

Batay sa datos ng Phi­volcs, mag-aala-6 ng umaga ng Linggo, may naitalang magnitude 3 na aftershock kung saan, may lalim itong 16 na kilometro at tectonic naman ang pinagmulan.

Bago ito, niyanig din ng magnitude 3.6 na aftershock ang Itbayat dakong alas-2:21 ng  madaling araw ng Linggo.

Kapwa naman naranasan ang intensity 4 na pagyanig sa Itbayat mula sa 2 malalakas na aftershocks

Batay  sa pinakahuling datos ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa 300 aftershocks ang naitala sa lugar kung saan, 29 sa mga ito ang naramdaman. DWIZ88

Comments are closed.