AFTERSHOCKS YUMANIG SA CATAINGAN, MASBATE

AFTERSHOCKS

Muling niyanig ng malakas na lindol ang bahagi ng Cataingan, Masbate dakong alas-5:50 ng umaga ngayong Miyerkoles.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang magnitude 5.2 na aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa kaparehong bayan kahapon, Martes ng umaga.

May lalim itong 6-kilometro.

Bagaman walang inaasahang pinsala sa naturang lindol ay ibinabala pa rin ang posibleng pagkaranas muli ng mga aftershocks. DWIZ882

Comments are closed.