AGA MUHLACH MOVIE HUMAMIG SA TAKILYA NG HIGIT P350-M

Aga Muhlach

NAGTAPOS kahapon, January 7, ang 45th Metro Manila Film Festival sa mga showbiz eyecinemas nationwide. Maaari rin namang may ilang pelikula pang mai-extend ang showing sa ilang sinehan.

Kahit unofficial ang latest box-office report mula sa walong official entries na naglaban-laban simula pa noong Christmas day, December 25, nangunguna pa rin ang entry ng Viva Films na “Miracle in Cell No. 7” ni Aga Muhlach.

Narito ang unofficial box-office report as of January 4, 2020:

“Miracle in Cell No. 7” – P350 million; “The Mall The Merrier” nina Vice Ganda at Anne Curtis – P304 million; “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” nina Coco Martin, Ai Ai delas Alas at Jennylyn Mercado – P85 million; “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto at Maine Mendoza – P70 million; “Sunod” ni Carmina Villarroel – P20 million; “Mindanao” ni Judy Ann Santos – P15 million; “Write About Love” nina Rocco Nacino at Miles Ocampo – P5 million at “Culion” nina Iza Calzado – P4 million.

Sa pagtatapos nga­yon ng MMFF, tiyak na maglalabas na rin ng official box-office report ang Executive Committee, at sana ay mas tumaas pa ang income nila after ng January 4.  Malabo na nga lamang silang makakuha ng target box-office returns nila na more than one billion pesos.

PILOT EPISODE NG ‘ALL-OUT SUNDAY’ PUMALO SA RATING 

MAY 30 Kapuso stars pala ang bumuo sa pilot episode ng bagong noontime show ng GMA Network, ang “All-Out Sundays” last Sunday, January 5, sa Studio 7 na humataw rin sa rating.  Napuno ng mga fans ng iba’t ibang Kapuso stars, ang studio na walang sawang tumili kapag lumalabas ang mga paborito nilang artista.

Opening number pa lamang, inabot na ito ng almost 30 minutes kahit non-stop ang paglabas ng mga artista sa iba’t ibang production numbers, sa pangunguna nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Derrick Monasterio, Ken Chan, Rita Daniela, Legaspi twin Mavy and Cassy, ang Clashers na sina Jeremiah Tiang­co, Jennifer Maravilla, Antonett Tismo, Golden Cañedo, Thea Asthley, Garrett Bolden at StarStruck winners Kim de Leon and Shayne Lexi.

Si Miggy Tanchangco and director ng “All-Out Sundays” and he promises na mas marami pa silang sorpresa at malalaking production numbers na ipa­kikita sa show na mapapanood from 12:00 to 2:30 pm every Sunday.

GABBI GARCIA GUSTONG MAKAGAWA NG LIGHT ROMANTIC- COMEDY SERIES      

HINDI ikinaila ni Gabbi Garcia na malapit nang magtapos ang drama-action series nilang “Beautiful Justice” with Yasmien Kurdi at Bea Binene na first time niyang nakatrabaho, pero naging very close sila sa taping. Sama-sama raw kasi sila sa training bilang mga PDEA agents kaya natuto silang humawak at magpaputok ng baril, gumawa ng mga action scenes, kaya nag-training din sila sa Muay Thai.  Kasama rin nila sa cast sina Gil Cuerva, Derrick Monasterio, Victor Neri, Valeen Montenegro at Bing Loyzaga.

Kaya wish ni Gabbi this 2020, makagawa naman siya ng light romantic-comedy series, dahil napansin niyang since nagsimula siya sa GMA Network, laging mga seryoso ang projects na naibibigay sa kanya.  Gusto rin niyang makagawa muli ng movie. Biniro tuloy namin si Gabbi na maganda kasi ang lovelife niya, kaya gusto naman niyang makagawa ng romantic-comedy series.

Ang “Beautiful Justice” ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “24 Oras.”

Comments are closed.