Kinailangan pa raw i-bully muna ni Vilma Santos si Aga Muhlack para mapilitan itong tanggapin ang role sa pelikulang Uninvited. Ayon sa Star for All Seasons na si Ate Vi, tumawag sa kanya si Aga.
“Tumawag sa akin si Aga, and then sinabi niya na, ‘Ano, Vi? Totoo ba, gagawin nating pelikula ito? Totoo ba, gagawa tayo ng pelikula?’
“Tapos sabi ko, ‘Oo, Aga! Tanggapin mo dahil kung hindi, isosoli ko na yung kandila bilang ninang niyo ni Charlene [Gonzalez] sa kasal! Pag hindi mo tinanggap ito, ibabalik ko na yung kandila niyo ni Charlene,’ kasi ninang nila ako sa kasal. ‘Kaya tanggapin mo na ito dahil… gusto na kitang bakbakan!’
“Dun nag-umpisa yon. And now, eto na, tapos na yung pelikula namin.”
Wala raw namang balak si Aga, na tanggihan ang isang pelikula na makakasama ang kanyang ninang. Bukod pa sa makakasama rin niya dito si Nadine Lustre.
Mag-ama raw sila ni Nadine dito. Noon pa sana sila mag-ama ang papel nila MMFF 2019 topgrosser na Miracle in Cell No. 7, nabulilyaso lang. In fairness, ang galing din dito ni Bela Padilla.
Suportado naman si Ate Vi ng asawang si Secretary of Finance Ralph Recto, at anak na si Ryan Christian Recto.
Kasama rin sa casting ng pelikula si RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Nonie Buencamino, at Tirso Cruz III.
More than winning another Best Actress award sa MMFF, mas gusto raw ni Ate Vi ng role na matsa-challenge siya. Siya kasi ang nagwaging best actress sa 49th MMFF para sa When I Met You In Tokyo.
“Itong Uninvited at yung role ko, palagay ko kahit paano, na-challenge ako,” aniya.
“Ang gusto ko, makagawa kami ng isang magandang movie na kaya naming ipagmalaki lahat,” pagwawakas niya.