(Agad ding sampahan ng kaso…) PNP MEN SA DRUGS ‘HUBARAN NG MASKARA’

UPANG hindi patuloy na makaladkad sa malaking kontrobersiya ang buong organisasyon ng Philippine National Police (PNP), partikular ang pagkadawit ng ilang ranking officers nito sa drug trafficking operations, dapat agaran nang tukuyin at masampahan ng kaukulang kaso ang mga binansagang ‘ninja cop’.

Ito ang binigyan-diin ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves, vice-chairman ng House Committee on Games and Amusements kung saan inihayag din niya ang kanyang buong pagsuporta sa layuning linisin ang hanay ng PNP mula sa mga tiwaling kasapi nito.

“I am in full support of cleansing government agencies of undesirables, the PNP in particular in its campaign against illegal drugs,” sabi pa ng Visayan solon.

Subalit paggigiit niya, sa hakbangin na ito, ang liderato ng PNP, gayundin ang mga detractor’s ng police organization ay dapat sumunod sa due process, lalo na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga napatunayang silang nasa likod ng ilegal na gawain o krimen.

Kaya naman hinimok ni Teves ang PNP na ‘hubaran ng maskara’ at kilalanin na upang maipagharap ng pormal na asunto sa korte, gayundin ang administrative charges, ang mga opisyal at tauhan ng naturang ahensiya na silang totoong ‘ninja cops’ o police officers na gumagawa ng pagpapakalat ng illegal drugs o kaya’y pag-recycle ng mga shabu na nauna nilang narekober.

“Name names and file appropriate cases against the suspects. This way, only the guilty would suffer and we could avoid tarnishing the name and image of the whole police organization. I am totally against short cuts,” tigas na sabi pa ng House panel vice-chairman.

Ayon kay Teves, maituturing na isang sampal sa PNP organization ang panawagang pagbibitiw ng mga matataas na opisyal nito dahil lamang sa kasamaan at maling gawain ng iilan kasapi nito, lalo’t wala rin naman itong kaukulang imbestigasyon na isinasagawa.

“The police officers are also human beings. If they resigned due to allegations of fault, what would happen to their benefits? How about their respective families? Only those who are guilty that must be punished and not involved those who have nothing to do with the crime.” ROMER R. BUTUYAN