Muling naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list upang ipagpatuloy ang mga programang isinusulong nito sa Kongreso.
Pinangunahan ni AGAP Party-List Congressman Nicanor “Nikki” Briones ang paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec).
Masayang ibinahagi ni Rep, Briones na sa pamamagitan ng kanyang isinulong na Anti-Agricultural Economic Sabotage Law, wala ng maglalakas-loob na manamantala sa ating mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura sa kabuuan.
“Pinapangako pa lang ng iba, ginawa at patuloy na tayong umaaksyon at nagbibigay ng positibong resulta,” binigyang-diin ni Briones.
Ayon sa AGAP party-list congressman, suportado ng party-list ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagprayoridad nito sa seguridad sa pagkain ng mga Pilipino.
Matatandaan na nilagdaan kamakailan ng Pangulo ang nabanggit na batas ni Briones.
Sa ilalim ng batas na ito, ituturing na economic sabotage ang smuggling, hoarding, profiteering at cartel sa mga produktong agrikultural pati na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa lokal na produkto.
Paliwanag ng AGAP party-list solon, ang sinumang lalabag sa batas na ito ay posibleng maharap sa pagkakakulong o multa ng higit pa sa halaga ng produktong ginamit sa krimen.
Umaasa si Briones na masusing titignan at titimbangin maigi ng publiko ang track-record ng AGAP party-list sa pagpili ng kanilang party-list na iboboto.
Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga lansangan at tulay, ospital, school buildings, solar street lights, solar-powered water and irrigation projects, pabahay, trabaho sa mga disadvantaged workers, at mga ayuda tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, medical assistance for indigent patients at Ayuda sa Kapos ang Kita Program.
Isinusulong din ng Ako Bicol ang transparency at tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Kasama rito ang paghihikayat kay Vice President Sara Duterte-Carpio na dumalo sa mga pagdinig sa Kongreso upang ipaliwanag sa taumbayan kung papaanong ginastos ang budget at confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education na noo’y pinamumunuan ni Duterte.