MAYNILA – PARA kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi na dapat pang hintayin ng pamahalaan na lumala ang sitwasyon sa Middle East.
Kaya naman tuloy ang mandatory repatriation sa mga overseas Filipino worker (OFW) doon kahit nagbaba na ng puwersa ang Estados Unidos at Iran.
Ayon kay Bello, ito ang pinakamagandang panahon para pauwiin ang mga Filipino dahil bahagyang humupa ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ng kalihim na ang hakbang na pagpapauwi ay upang maiwasan ang mas malalang sitwasyon dahil sa tensiyon na nagaganap sa Middle East.
Kaugnay nito, aminado naman si Bello na isa sa kanilang problema sa ngayon ay kung paano mahahanapan ng negosyo o trabaho ang mga pauuwiing Filipino sa bansa. EUNICE C.
Comments are closed.