AGARANG PAGBANGON MULA SA ODETTE HILING NI BBM; TULONG DIRETSONG IBUBUHOS!

BBM 31

PAGKAKAISA, pagmamahalan, katatagan at agarang pagbangon para sa mga nasalanta ng bagyong Odette ang ilan sa mga kahilingan ngayong Pasko ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang relief operation upang maiparamdam sa mga kababayan nating biktima ng bagyo na buhay ang diwa ng Bayanihan ngayong araw ng Kapaskuhan.

“My supporters will continue scouring the remote areas in the provinces that were badly hit by the typhoon to bring the necessary assistance. We will not stop helping them until such time that they will be back on their feet,” ani Marcos.

Sa panayam ng DZRH, tiniyak ng dating governor ng Ilocos Norte na bibisitahin pa nila ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang iba pang probinsiyang nasalanta ng bagyo.

Sadyang napakahirap lamang aniya na marating agad ang ibang probinsiya sa kawalan din ng signal ng komunikasyon.

“Hindi pa maaring pumunta at malalayo (ang mga apektadong lugar). Kailan lang lumabas ang balita sa Palawan, medyo mabigat ang tama kaya’t nagpadala na kami ng barko na may dala na mga  relief goods para sa mga biktima ni Odette at sasalubungin namin dahil hindi pa ata pwede lumipad ngayon,” wika ni Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na bukod sa pagkain, supply ng kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan, isa rin sa malaking problema ngayon ay ang supply ng malinis na tubig.

“Kaya’t nag padala kami ng almost 30 tons na tubig sa iba’t ibang lugar pero ang isusunod namin ay ‘yong filtration kit. Inaalala natin yung cholera, yung bacteria dahil sa maruming tubig,” saad niya.

“Yun ang natutunan namin noong Yolanda eh tubig talaga is the first thing. After nang makapagpadala ng pagkain, tubig, ang susunod, ang isusunod na is reconstruction materials dahil ang mga bahay na nasira ay kailangan nating tulungan na makapagtayo ulit o maiayos nila yung nasira sa kanilang bahay dahil sa bagyo, “dagdag pa nito.

Upang makabalikagad sa normal, sinabi rin ni Marcos na dapat ay maisaayos agad ang mga nasirang tahanan ng biktima ng bagyo. “Dahil kailangan nila ng bubong na masisilungan bilang proteksyon sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay.”

Naniniwala si Marcos na sa gitna ng dinaranas na pagsubok ngayon ng bansa, ay mabilis din itong malalampasan ng mga Pilipino.

“It is my fervent wish this Christmas season that we continue to pray for good health and prosperity, and that God may give us the courage to stand as a united nation, because it is only through unity that we can get back on our feet as we move forward to a brighter future,” pahabol pa ni Marcos.