BATANGAS City – Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang kambal na resolusyon na sumusuporta sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang tulungan at makapagpatupad ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.
Sa kauna-unahang sesyon ng Kamara na ginawa sa labas ng institusyon, pinagtibay ng mga kongresista ang House Resolution (HR) No. 662 na inakda nito lamang Enero 21 ni House SpeakerCayetano, Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., Deputy Speakers Raneo “Ranie” Abu, Dan Fernandez (Laguna), Paolo Duterte (Davao City), Vilma Santos (Batangas), Cavite Reps. Elpidio Barzaga Jr., Luis Ferrer IV, Abraham Tolentino, Batangas Reps. Mario Vittorio Mariño, Elenita Milagros “Eileen” Ermita-Buhain, Rep. Ma. Theresa Collantes, at Lianda Bolilia na nagsusulong sa P30 bilyong supplemental budget na hiniling ni Duterte para sa mga biktima ng Bulkang Taal. “Whereas, the Calamity Fund for the local government units is presently depleting and is insufficient to provide relief and rehabilitation assistance to the affected areas. Whereas, as a response of the disaster, the House of Representatives is willing to participate in necessary efforts to alleviate the suffering of our countrymen and ultimately restore normalcy to the affected regions.
Now therefore be it resolved as it is hereby resolved, that the House of Representatives expresses its support and commitment to work with all the concerned agencies to pass the proposed supplemental budget to expedite effective and responsive to those affected by the Taal Volcano Eruption,” batay sa resolusyon.
Pinagtibay rin ng Kamara ang HR No. 655 na inakda nina Deputy Speakers Raneo Abu,Vilma Santos Recto at mga kongresista ng Batangas kabilang na sina Mario Vittorio Mariño, Elenita Milagros Ermita-Buhain, Ma. Theresa Collantes, at Lianda Bolilia na naglalayong maipalabas sa lalong madaling panahon ang pondo para sa relief efforts, resettlement, livelihood at social.development programs para sa benepisyo ng mga biktima ng Taal volcano.
Inaatasan din ng HR No. 655 ang mga komite ng Kamara na agad ipatawag ang NDRRMC upang magbigay ng briefing sa lawak ng pinsala ng kalamidad at kung ano pa ang mga kakailanganing tulong ng mga biktima ng bulkan.
Nagsagawa ng sesyon ang Kamara sa Batangas Convention Center bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente ng Batangas, Cavite at Laguna na apektado ng kalamidad.
Kaugnay nito, hinamon ni Cayetano ang Kamara na magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa mga kalamidad at trahedya lalo na sa aspeto ng rehabilitasyon at muling pagbangon mula sa pagkakalugmok.
Hindi lamang aniya dapat ituon ang atensiyon sa relief efforts at lalong dapat mas bigyang pansin ang programang rehabilitasyon ng mga biktima ng kalamidad at trahedya sa bansa.
Comments are closed.