AGAWAN SA 3-2

GINEBRA VS SAN MIGUEL

Laro bukas:

Araneta Coliseum:

6:45 p.m. – Ginebra vs SMB (Game 5)

MAGING tambakan kaya ang Game 5 tulad ng nangyari sa unang apat na laro ng best-of-seven title showdown ng defending Commissioner’s Cup champion San Miguel Beer at sister team Barangay Ginebra?

Ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng PBA na ang unang apat na laro ay nauwi sa blowout win na  mahirap paniwalaan dahil ang dalawang magkatunggali ay kapuwa malakas, patas ang locals at parehong magaling ang mga import.

Krusyal ang laro na nakatakda sa alas-6:45 ng gabi sa Araneta Coliseum dahil ang magwawagi ay aabante sa 3-2 at lalapit sa korona.

Matapos ang Game 4 noong Biyernes ay malungkot at dismayadong lumabas ng Big Dome ang ilang nanood dahil ang inaasahan nilang kapana-panabik at matinding bakbakan ay nauwi sa one-sided na panalo pabor sa Barangay Ginebra, 130-100, kung saan hindi man lamang nakitaan ang SMB ng pagtutol sa 48 minutong sagupaan.

Sa umpisa pa lang ay lumayo na ang Barangay Ginebra at hindi na lumingon pa kung saan pinabayaan lamang sila ng SMB na umiskor hanggang sa matapos ang laro at itabla ang serye sa 2-2.

Lumamang ang Barangay Ginebra ng 25 points, 89-64, sa mainit na mga kamay nina Justine Brownlee, Joe Devance, Greg Slaughter, Sol Mercado at LA Tenorio. Kumana si Brownlee ng 37 points, 11 rebounds at 7 assists.

“I couldn’t believe the game ended that way considering San Miguel is strong and has an array of good shooters and a versatile import. No semblance of resistance from SMB. If I knew it, I stay home. It’s not money’s worth,” sabi ng isang PBA fan na bakas sa mukha ang pagkalungkot  at pagkadismaya habang naglalakad palabas sa Araneta Coliseum.

Umaasa ang PBA fans na sa Game 5 ay magiging dikit at ka­pana-panabik na ang laban mula pa lamang sa opening whistle hanggang sa dying seconds, at maging satisfied sila dahil pinaghirapan nila ang ipinambiling tiket.

Muling magtata­gisan ng galing sina best import Brownlee at Renaldo Balkman at ang kanilang front line ang magbibigay ng karagdagang sigla sa laro. Tinalo ni Brownlee si Balkman sa scoring.

Kutuwang ni Balkman sina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Arwind Santos at Chris Ross, kasama sina best player of the conference June Mar Fajardo at Filipino-German Christian Standhardinger  na pamahalaan ang shaded lane laban sa tandem nina Japeth Aguilar at Slaughter. CLYDE MARIANO

Comments are closed.