Pinatunayan ng bagonmg kasal na sina dating Batangas governor Hermilando Mandanas, 80 at Atty. Angelica Chua, 32, na hindi problema ang agwat ng edad nang magpakasal sila kamakailan sa Minor Basilica of Immaculate Concepcion. Isinagawa naman ang reception sa Provincial Capitol.
Love at first sight daw si gov kay Chua na umabot sa klasalan.
Handa umano silang magkaroon ng mga anak na huhulmahin nila upang maging mabuting Kristiyano sa hinaharap.
Sakaling dumating ang araw paghiwalayin sila ng pagkakataon, mananatili raw ang pagmamahal nila sa isa’t isa. NLVN