MAHIGIT P1 billion na ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng bagyong Aghon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa report disaster response body, ang infrastructure damage mula sa bagyo ay umabot sa P942.5 million sa Calabarzon habang ang agriculture damage ay nasa P85.6 million sa Calabarzon at Mimaropa regions.
Nasa 7,568 bahay ang napinsala sa Calabarzon at Eastern Visayas, kung saan 6,907 ang klinasipika bilang “partially damaged” at 752 ang “totally damaged”.
Kabuuang 41,405 pamilya o 152,266 indibidwal sa 887 barangays sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas at National Capital Region ang naapektuhan ng bagyo.
Ang kumpirmadong nasawi sa bagyo ay anim — lima mula sa Calabarzon at isa sa Northern Mindanao.
(PNA)