AGORA SA ORMOC

NAANYAYAHAN tayo sa Agora noong nasa Philippine High School for the Arts (PHSA) pa tayo.

Ang imbitasyon ni Dr. Joseph Cristobal ng Philippine Cultural Education Program — at kaniyang anghel na sina Jennifer Pedraza Barbera at Alpha Joy Ruiz — ay para sa PHSA Sanghiyas Pangkat Mananayaw upang magtanghal sa SM Mall of Asia noong 2017.

Sinamantala naming balangkasin din noon ang PHSA@40 sa pamamagitan nina Atty. Josue Sim Zuniega, ang presidente ng PHSA Ibarang Alumni Association, at Prof. Josue Greg Zuniega, ang sumunod sa atin bilang Director IV ng PHSA.

Ngayong 2023, inimbitahan tayo mismo para magturo ng Panitikan kasama sina Rodel Bugarin (Musika), Salvador Ching (Sining Biswal), at Melandro Pascual (Teatro) sa Ormoc.

Wala noon sina Kgg.Richard Gomez at Kgg.Lucy Torres.

Sina Serg Ilarina Jr. at Guada Yunson — ang kumatawan sa kanila — na nagsabit ng kuwintas na may: ORMOC CITY: THE CITY OF BEAUTIFUL PEOPLE.

Natutuhan namin sa nagwaging eksibit nila dati sa Diwang na ang Ormoc ang tahanan ng Queen Pineapple na isa sa pinakamatamis sa mundo.

Kasintamis ng pagtanggap sa amin ng guro’t estudyante naming sina Melda Alkuino, Elijah Blanco, Christine Borzon, Rhianne Abayabay, Jessa Ablen, Marissa Almeria, Rejie Ando, JayAnn Aseo, Jesley Cabarse, David Cañas, Jillian Castro, Jemmar de Asis, Marinel DeLosSantos, Juliane Eguia, Ranessa Esmero, Zedric Esmero, Kristine Estrera, Lhyli Estrera, Pia Fernandez, VonHoepper Ferrer, MarieVic Flores, Latifa Ghani, Princess Jacay, Nanette Jaramillo, Carlito Mantua, Maed Monte, AnnaMarie Naagas, Ma.Angel Pones, Ashley Laude, Remelyn Luchavez, Janela Maingque, Michael Maingque, Ronald Meno, Chris Odog, Prezzan Opendo, Jeanne Paet, Ella Palacio, Carlo Palomares, Ma.Paolo Patombon, Juvince Pepito, Pete Piangco, Emmalyn Quiling, KeeAnne Sisiban, MaryAnn Songahid, Myra Tero, Isha Tomol, Reyanna Mae Tupas, Dayne Ubay, Elicha Vivero, Shan Villamins, Arman Villero, at Kim Yu na nagsipagtapos noong 15 Oktubre 2023 sa Ormoc City Superdome.

Kinabukasan sa City Hall nagpasalamat kami sa pasalubong nilang kurbatang may pinya at pin na may kalachuchi.

Nandoon si Mayora, si Kgg. Caren Torres-Rama ng Sangguniang Panlungsod, at si Nelson Alindogan, ang Supervising Tourism Operations Officer, na noo’y Executive Assistant na tulad ni Serg na Associate Producer at Assistant Director sa TV5.

Kaya pala, artistahin sila.

Kaya di-maiwasang banggitin namin kay Mayora na nag-guest tayo noong 2008 bilang psychologist sa TV show nilang The Sweet Life kasama si Wilma Doesn’t. Saksi tayo sa Kongreso noong umuupo siya sa budget hearing ng Department of Education dahil attached agency ang PHSA. At nang bumalik tayo sa Unibersidad ng Pilipinas — may larawan kami ni Juliana — kasama si Susan Alcantara ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Noon din namin natuklasang binubuhay nila sa Ormoc ang fencing sa tulong ng kanilang unica hija.

Lahat ng gawaing ito ay bahagi ng kanilang pagdiriwang ng ika-76 na Adlaw sa Ormoc — noong 20 Oktubre sa Sports Complex — tampok sina Ice Seguerra at December Avenue.

Laking pasasalamat namin sapagkat pinasalamatan din kami diumano sa State of the City Address ni Mayora.

Kahit paano, nakapag-ambag kami ng kaalaman sa kaniyang ebanghelyo para sa mga Ormocanon.