IPINADEDEKLARA ng ilang senador ang Agosto 30 bilang Press Freedom Day.
Ito ang inihaing panukalang batas nina Senators Bam Aquino at Win Gatchalian para maideklara ang pagkakaroon ng “National Responsible Press Freedom Day” sa bansa na itinatakda ng Saligang Batas.
Sa panukala ni Gatchalian, sa ilalim ng section 4, article 3 ng Bill of Rights, hindi lamang ang karapatang magsalita at sumulat ang ginagarantiyahan kundi maging ang karapatan na maprotektahan laban sa banta, intimidation at karahasan.
Samantala, sa inihain naman ni Aquino na kung maidedeklara ang Press Freedom Day magsisilbi itong paalala sa mga panahong nagkaroon ng pagsikil sa kalayaan ng pamamahayag. VICKY CERVALES
Comments are closed.