KALIWA’T kanang batikos ang inani ng litrato ng umano’y pagpaparetoke ni Miss Universe 2018 second runner-up Sthefany Gutierrez ng Venezuela.
Sa before and after photos ni Gutierrez na sinasabing ipinost ng kanyang doktor ay wala namang gaanong binago sa mukha nito.
Sinasabing sumailalim sa plastic surgery si Gutierrez at iba’t ibang procedures ang ginawa sa kaniya partikular sa ilong, baba at tainga para lalong gumanda.
Say ng ilang netizens, parang wala namang pinagbago sa ginawa kay Gutierrez at nagsayang lamang umano ito ng pera.
Comments are closed.