(Agri Chief muling nanawagan sa Japan) MABABANG TARIFF SA PH BANANAS

Saging

MULING hiniling ni Agriculture Secretary William Dar sa Japan Vice Minister of Agriculture, Forestry and Fisheries (MAFF) Shinya Fujiki na babaan ang tariff na ipinataw nila sa Philippine bananas.

“I would like to request your support for the preferential tariff rate of zero percent for Philippine bananas in Japan, which currently imposes an 18-percent tariff during the winter season and 8 percent during the summer,” ani Dar sa isang pahayag.

Ang Japan ang da­ting pinakamalaking importer ng Philippine bananas ng halos tatlong dekada (1991-2017) hanggang nakuha ng China, na bumili ng mahigit na 1.1 milyong tonelada noong 2018. Nagdulot ito ng hindi magandang resulta sa 56-percent increase mula 2017 sa banana imports.

Sa kasalukuyan, ang Japan ay isa sa mga bansa na ang imported bananas mula sa Filipinas ay mabigat ang buwis. Dahil dito kaya hiniling ni Dar ang  zero tariff sa saging.

Gustong talakayin ni MAFF Vice Minister Fujiki ang bagay na ito sa ongoing review ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement (PJEPA).

Ang ilan pang bagay na inilatag ni Dar noong  bilateral meeting ay ang hiling ng Filipinas tungkol sa updates ng market access para sa Hass avocados at ang akreditas­yon ng Filipinas bilang foot-and-mouth disease (FMD)-free country.

Samantala, ilan sa mga isyu na inilatag ni Vice Minister Fujiki ay ang pagtatanggal ng ta­riffs sa Japanese rice at market access para sa  Japanese strawberries sa Filipinas.

Nagkasundo ang da­lawang bansa na bilisan ang pagsusumite ng kinakailangang dokumento para mapabilis ang pro­seso na magpapalawak ng negosyo sa dalawang partido.

Comments are closed.