AGRI DAMAGE NG El NIÑO P9.5-B NA

PUMALO na sa halos P10 billion ang pinsala ng  El Niño sa agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Hanggang May 16, 2024, sinabi ng DA na ang pinsala sa agrikultura ng weather phenomenon ay umabot na sa P9.5 billion.

Ayon sa DA, ang El Niño ay nakaapekto sa 163,694 ektarya ng agricultural areas sa 13 rehiyon — Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, Davao Region, at Soccsksargen.

Ang bilang ng mga apektadong magsasaka at mangingisda ay nasa 175,063.

Pagdating sa volume, ang damaged crops ay umabot sa 426,798 metric tons (MT), kung saan 185,561 MT ay para sa palay, 180,807 MT sa mais, 48,949 MT sa  high value crops at 147 MT para sa cassava.

Ang pagtaas sa iniulat na values ay kinabibilangan ng karagdagang reports mula sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Eastern Visayas, Central Mindanao, Davao at Soccsksargen regions.

“The affected rice area of 83,862 hectares is 3.91% of the total target area planted of 2,137,046.77 hectares, while the production loss of 185,561 MT is equivalent to around 2.01% of the target production of 9,218,358.28 MT, both for the dry cropping season this 2024,” ayon sa

“As for corn, area affected by the dry spell is at 66,950 hectares or 6.08% of the total target area planted of 1,101,695.90 hectares, while the production loss of 180,807 MT is 4.02% of target production of 4,493,026.90 MT, both for the dry cropping season this 2024,” dagdag pa nito.