UMABOT na sa mahigit P600 million ang pinsala ng bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa typhoon situation bulletin nito, sinabi ng DA na ang halaga ng production loss dahil kay ‘Enteng‘ ay nasa P659.01 million, katumbas ng 28,788 metric tons (MT) ng volume loss sa 22,309 ektaryang agricultural lands.
Ang bagyo ay nakaapekto sa 27,598 magsasaka sa Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western at Eastern Visayas.
Ang mga nasirang agricultural produce ay kinabibilangan ng rice, corn, high-value crops, cassava, at livestock.
Ang bigas ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala na may value loss nq P624.06 million, katumbas ng 26,736 MT ng mga pananim na nasira.
Sumunod ang corn at high-value crops na may total value loss na P22.75 million at P10.41 million, ayon sa pagkakasunod.
Ang cassava ay nagtamo ng losses na nagkakahalaga ng P1.77 million, habang ang livestock and poultry ay may total value loss na P16,000.