AGRI DAMAGE NI ‘FERDIE’ PUMALO SA P1.09-B

UMABOT na sa mahigit P1-billion ang halaga ng pinsala at losses na natamo ng sektor ng agrikultura kasunod ng pananalasa ng bagyong Ferdie at ng Habagat.

Sa isang weather situation bulletin, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na ang pinagsamang epekto ni ‘Ferdie’ at ng pinalakas na Habagat ay nasa P1.09 billion.

Ang weather disturbances ay nakaapekto sa 24,512 magsasaka sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula na may volume of production loss na 50,913 metric tons (MT) at 24,247 ektarya ng agricultural areas.

“Meanwhile, there are no reported damage and losses for Tropical Cyclones Gener and Helen,” ayon sa DA.

Ang bigas ang pinakaapektadong commodity, na bumubuo sa 95.35% o P1.04 billion.

Sumunod ang mais sa 2.27% o P24.76 million.

Ang nalalabing 2.38% ng losses ay nagmula sa high value crops sa P20.36 million, habang ang livestock and poultry ay may P3.32 million at irrigation facilities, P2.30 million.

“These values are subject to validation,” ayon sa DA.

Sinabi ng DA na sa pamamagitan ng Regional Field Offices nito at sa pakikipagtulungan sa mga apektadong local government units at kinauukulang disaster risk reduction and management offices, aktibo itong nagsasagawa ng masusing validation at assessment sa epekto ng pinalakas na Habagat at mga bagyong Ferdie, Gener, at Helen sa agriculture at fisheries sector.”

“Best possible efforts are also being undertaken to carry out assistance and appropriate interventions to the affected farmers,” ayon sa ahensiya.

“Furthermore, price monitoring is being conducted for possible changes in the prices of agricultural commodities,” dagdag pa nito.