AGRI DAMAGE NI ‘KRISTINE’ P3.76-B NA

PUMALO na sa P3.76 billion ang pinsala sa agrikultura ni Severe Tropical Storm Kristine, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa bulletin ng DA, ang bigas pa rin ang nagtamo ng pinakamalaking agricultural loss, na nasa 169,830 metric tons (MT).

Ang iba pang agricultural commodities na naapektuhan ay mais na may 2,501 MT, cassava na may 217 MT, at high-value crops na may 17,874 MT.

Nakapagtala ang DA ng 3,438 animal losses at 87,496 magsasaka ang naapektuhan.

Ang iniulat na pinsala ay base sa pagtaya ng DA Regional Field Offices (RFO) sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, SOCCSKSARGEN, at Caraga Region.

“As affected areas become accessible, further damage and losses are expected with the conduct of field validation by DA RFOs this week,” ayon sa DA.

Samantala, ang DA RFO Bicol ay nagtala ng P2.1 billion na halaga ng agricultural damage, kung saan ang Albay ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala sa P403.85 million.

Ang Bicol Region ay kabilang sa mga lugar na hinagupit ni ‘Kristine’.

Ayon sa DA, may P541.02 million na halaga ng agricultural ang ipamamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Tutulungan din nito ang mga magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund, Survival and Recovery (SURE) Loan Program, at ng Philippine Crop Insurance Corporation.