HININGI ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. ang tulong ni bagong Japanese envoy to Manila, Ambassador Endo Kazuya, upang madagdagan ang exports ng agricultural products ng bansa sa Asian power house.
Ang bagong Japanese ambassador ay bumisita kamakailan kay Sec. Tiu Laurel upang talakayin ang agricultural cooperation sa pagitan ng dalawang bansa, partikular ang mga detalye ng Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Department of Agriculture ng Pilipinas at ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries, at ang pinagtibay na ASEAN-Japan Midori Cooperation Plan.
Tinalakay ng dalawang opisyal ang iba’t ibang paksa, kabilang ang sustainable agriculture initiatives, trade facilitation, at market access concerns.
Ipinabatid ni Sec. Tiu Laurel kay Amb. Kazuya ang matagal nang kahilingan ng Pilipinas para sa pagbabawas ng taripa para sa Philippine bananas, market access ng Pilipinas sa fresh hass avocadoes, pagbuhay sa Philippine mango exports sa Japan, at ang posibilidad ng regionalization upang maisaayos ang export ng processed poultry products sa Japan.
Ang saging ang top agricultural export ng Pilipinas sa Japan, na may total volume sa pagitan ng 2020 at 2023 na 3.4 million metric tons, base sa sanitary at phytosanitary permits na inisyu. Ang tariff reduction ay magpapahusay pa sa competitiveness at magpapataas sa shipments ng Philippine bananas sa Japan, na malaking bahagi ng Japanese diet.
Sa pagitan ng January at April 15 ngayong taon, ang banana exports ng Pilipinas sa Japan ay umabot sa 241,282 metric tons. Siyam na varieties ng saging ang ine-export sa Japan, subalit ang Cavendish pa rin ang pinaka-gusto sa Japanese market.
Sa kanilang pag-uusap ay iginiit din ni Tiu Laurel ang market access request ng Pilipinas sa fresh hass avocadoes sa Japan. Umaasa siya sa final announcement ng market access ngayong taon dahil ang Workplan on Phytosanitary Requirements for Imports ng Philippine fresh avocadoes sa Japan ay inaprubaha na “in principle” sa kanyang huling pagbisita sa Japan noong December 2023.
Malaki naman ang ibinaba ng export ng fresh mangoes mula 59 metric tons noong 2021 sa 11 metric tons noong 2023 dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng food safety regulations, partikular ang maximum residue levels dahil sa paggamit ng pesticide na ina-attribute sa presensiya ng mapaminsalang mango pests at diseases tulad ng Cecid fly infestation.