AGRI-GROUP TINIYAK ANG SAPAT NA SUPLAY NG BABOY SA KAPASKUHAN

Baboy

TINIYAK ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na sapat ang suplay ng karneng baboy ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Ito’y kahit apektado ang mga baboy sa ilang lugar sa bansa ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, napakaliit lamang na porsiyento ng kabuuang bilang ng baboy sa bansa ang naapektuhan ng ASF.

Pahayag pa ni So, wala ring dahilan para tumaas ang presyo ng baboy dahil nasa P100 hanggang P110 ang farm gate price nito.

Pagdating naman sa palengke ay nasa P180  na ang kada kilo ng baboy.