UMABOT na sa P2.5 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng Habagat at ng mga bagyong Goring, Hanna, at Ineng, ayon sa pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ang halaga ay mas mataas ng P600 million kumpara sa P1.9 billion na halaga ng pinsala na iniulat ng ahensiya noong Sept. 8.
Sa naturang halaga, P1.513 billion na halaga ng agricultural damage ang natamo ng Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at the Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, ang infrastructure damage ay umabot na sa P905.7 million sa anim na rehiyon.
Samantala, ang mga napinsalang bahay ay nasa 7,813 sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera. Ang mga apektadong pamilya ay nasa 312,818 na katumbas ng 1,163,529 katao na naninirahan sa 2,394 barangays sa walong rehiyon.
(PNA)