AGRI, INFRA DAMAGE NI ‘EGAY’, ‘FALCON’, HABAGAT P10-B NA

PUMALO na sa mahigit P10 billion ang pinagsama-samang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng mga bagyong Egay at Falcon, at ng Habagat.

Sa kanilang bulletin nitong Miyerkoles, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang tinatayang pinsala sa agrikultura at imprastruktura ay umabot na sa P4.45 billion at P5.81 billion, ayon sa pagkakasunod.

Ayon sa NDRRMC, ang nakalipas na weather disturbances ay nakaapekto rin sa kabuuang 1,224,219 pamilya o 4,555,227 katao na naninirahan sa 5,334 barangays sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Cordillera region, at National Capital Region.

Sinabi pa ng NDRRMC na 7,237 pamilya o 25,702 indibidwal ang nananatili sa 352 evacuation centers habang 21,043 pamilya o 80,908 katao ang tumatanggap ng tulong sa labas ng evacuation centers.