PUMALO na sa mahigit P1 billion ang kabuuang pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura ng pananalasa ng mga bagyong Neneng at Maymay sa Northern Luzon sa loob lamang ng isang linggo.
Batay sa ulat ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa P474.2 million na ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura at agrikultura ni ‘Neneng’.
Habang nasa P533 million naman angg halaga ng nawala sa dalawang sektor dahil sa Bagyong Maymay.
Kabilang sa mga napinsalang imprastraktura ay mga kabahayan, kalsada, gymnasiums, day care centers, waiting sheds, school buildings at barangay health stations.
Isinailalim naman ang mga barangay ng Santa Ana, Santa Praxedes, Allacapan at Sanchez Mira sa state of calamity dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo para mapabilis ang paghahatid ng tulong ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
DWIZ 882