AGRI, INFRA DAMAGE NI ‘PAENG’ HALOS P12-B NA

BAGYONG PAENG

PUMALO na sa halos P12 billion ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa agrikultura at imprastruktura ng bansa.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat na sa mahigit P6.3 billion ang tinatayang pinsala sa agrikultura ng bagyo.

Ang tropical cyclone ay nakaapekto sa 146,000 magsasaka at mangingisda at nakapinsala sa mahigit 136,000 ektaryang taniman.

Mahigit sa P5.4 billion naman ang naging pinsala ng bagyo sa imprastraktura.

Winasak ni ‘Paeng’ ang 57,351 bahay, kung saan halos 6,000 ang totally destroyed.

Batay sa report, 98 kalsada at 49 tulay ang hindi pa rin madaanan.