UMABOT na sa P12.4-B ang kabuuang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Rolly sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Agriculture Region 5, higit P3.6-B na ang halaga ng pinsala ni ‘Rolly’ sa sektor ng agrikultura.
Kabilang dito ang higit 63 ektaryang nasirang mga sakahan at higit 155,000 metriko toneladang mga pananim.
Samantala, mahigit P8.8-B naman ang naitalang kabuuang pinsala sa imprastraktura ng bagyong Rolly, batay sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kinabibilangan ito ng mahigit sa P1-B halaga ng pinsala sa mga national road at tulay, mahigit sa P1.8-B sa flood control infrastructure at mahigit P1.7-B sa mga gusali.
Pumalo naman sa mahigit P4.2-B ang pinsala sa mga eskuwelahan at iba pang pasilidad, ayon sa Department of Education (DepEd).
Comments are closed.