LUMAGO ng 0.4 porsiyento ang sektor ng agrikultura ng Filipinas sa huling apat na buwan ng 2019, na nagdala ng full-year growth sa 0.7 porsiyento, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan.
Ang bilang ng full-year growth figure, na medyo mabilis kaysa sa 0.6 porsiyentong paglago na naitala noong 2018, ay bumaba ng mas mababa na target ng Department of Agriculture (DA) ng kahit 2.0 porsiyento para sa 2019.
Sinabi ng PSA na ang dagdag sa produksiyon ay napansin sa mga pananim, manukan, at palaisdaan, habang ang mga produksiyon sa hayop ay nakapagrekord ng pagbaba mula Oktubre hanggang Disyembre.
Ang produksiyon ng pananim, na nagkaroon ng 50.6 porsiyento ng buong agricultural output, ay lumago ng 1.0 porsiyento noong tatlong buwan.
Ang kabuuan ng agricultural production ay nagkahalaga ng P492 billion, na kumatawan sa 5.3 porsiyentong pagbaba kompara sa parehong tatlong buwan ng 2018.
Napansin ni Agriculture Secretary William Dar na noong mga huling buwan ng 2019, ang bansa ay hinagupit ng bagyo tulad ng Tisoy at Ursula, ganundin ang pagkalat ng African swine fever (ASF).
Ipinakita sa datos ng PSA na ang livestock, na na kumakatawan sa 6.2 porsiyento ng buong agricultural production, ay nabawasan ng 8.5 porsiyento. Ang hog production ay bumaba ng 9.8 porsiyento noong tatlong buwan.
“Despite these challenges the agriculture grew by 0.4 percent, reflecting our strong resilience and resolve to rise above any adversity,” pahayag ni Dar.
“We will continue to build on the strong foundation in partnership with the local government units, private sector, farmers’ and fishers’ groups, and academe to catapult the entire agriculture sector this year and beyond,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Dar na ang resulta ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay makikita sa unang kalahating taon ng 2020.
“We hope the agriculture sector will perform much better in 2020 with good planning and proper implementation of new and existing programs,” ani Dar. PNA
Comments are closed.