AGRI OUTPUT BUMABA SA Q2

AGRI OUTPUT

HUMINA ang Philippine agriculture sector sa second quarter ng taon sa likod ng pagbaba ng crop production.

Sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang agricultural output ay bumaba ng 1.27% noong Abril hanggang Hunyo.

Sa first quarter ng 2019, ang sektor ay lumago ng 0.12%, at ng 1.08%  sa  second quarter ng 2018.

Pagdating sa halaga ng produksiyon, ang sektor ay nagtala rin ng pagbaba na 5.20% sa P424.6 billion year-on-year.

“This was attributed to the decline in crops production,” wika ng PSA.

Inasahan na ni Rolando Dy, executive director ng University of Asia and the Pacific’s Center for Food and Agri-Business, ang paghina ng sektor ng agrikultura.

“I projected zero to negative 1,” aniya, tinukoy ang epekto ng El Niño phenomenon sa crop production.

Sa pinakahuling pagtala ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center ng  Department of Agriculture (DA), ang pinsala sa mga pananim dahil sa El Niño ay nasa P4.04 billion hanggang noong Abril 26.

Ang crops subsector, na nag-ambag ng 47.42%  sa total output, ay nagtala ng pagbaba sa halaga ng produksiyon sa P215.5 billion— mas mababa ng 11.09% year-on-year.

“Crop production was led by a decline in palay (unhusked rice) output, which fell by 5.82%. Corn dropped 8.73%,” ayon sa PSA.

Ang livestock output ay tumaas ng 3.22%, ang poultry ng 4.14%, at ang  fisheries ng 1.90%.

Inaasahang lalo pang tatamlay ang agriculture sector sa third quarter dahil sa tag-ulan.