Hihilingin ng Department of Agriculture (DA) na maging exempted o hindi mapabilang sa election ban sa “public spending” ang mga programa ng ahensya upang matiyak na hindi makakaantala ito sa mga ipinatutupad na mga proyekto bilang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangang suplay ng pagkain ng bansa, kabilang ang plano nilang pagsasagawa ng tinaguriang “nutri” at “sulit” rice varieties sa halagang P36-37 at P35-36 kada kilo, sa second quarter ng 2025.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., ang DA ay naghahanda ng kahilingang ito na ia-apply sa Commission on Election (COMELEC) bago ang May 12 ,2025 midterm election. Base sa 2025 Fiscal Risks Statement ng Cabinet-level Development Budget Coordination Committee (DBCC) grouping ng economic team ng Marcos Jr. administration, inirekomenda nito ang pagbawas ng gastusin sa mga gastusin sa goods and services.
Tiniyak naman ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang mga foreign-assisted projects o mga loans at grants ng multilateral lenders at bilateral development partners, ay kadalasan naman aniyang exempted sa election ban, na magsisimula sa Marso sa susunod na taon. Kung kaya dapat ay mai-award na ito bago ang pagapapatupad ng election ban.
Target ng DA makapamahagi ng mga seeds at fertilizers bago magpatupad ng election ban. Kabilang naman sa prayoridad ng DA sa susunod na taon ay ang rolling out ng mas maraming cold-storage at post-harvest facilities, at solar-powered irrigation.
Dagdag pa ng kalihim, gagawin nilang available ang tinaguriang “nutri” at “sulit” rice varieties sa halagang P36-37 at P35-36 kada kilo, sa second quarter ng 2025. Kabilang din sa palno ng DA ay baguhin ang planting calendar upang mas maging resilient at matapat sa panahon na hindi ito masyado maaapektuhan ng mga kalamidad.
Sabi ni Tiu Laurel isususulong pa rin nila ang mga hakbang na ito sa kabila ng natapyas na P9 bilyon hanggang P20 bilyon sa panukalang budget nito sa taong 2025.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia