Agri scholarships suportado ng ChEd

IPINAAALAM  ng Commission on Higher Education na bukas ang kanilang tanggapan para sa aplikasyon ng mga estudyanteng interesadong mag-aral ng agricultura.

Maroon umano dilang Agricultural Competitiveness Enhancement Fund – Grants-in-Aid for Higher Education Program (ACEF-GIAHEP) para sa Academic Year (AY) 2024 – 2025.

Ang application period at mula July 1, 2024 hanggangAugust 15, 2024, at kailangang maisumite ang application sa mga concerned CHED Regional Office (CHEDRO) na nakasasakop sa kanilang lugar.

Bukas angACEF-GIAHEP sa mga kwalipikado at deserving na undergraduate students na mag-e- enroll o kasalukuyang naka-enroll sa kahit aling CHED recognized higher education institution sa mga kursong may kinalaman sa agriculture, forestry, fisheries, veterinary medicine at iba pang agricultural education programs.

Ang mga matatanggap na aplikante ay ira-rank at pipiliin depende eligibility requirements ng CHED at DA Joint Memorandum Circular No. 2, series of 2024, “Enhanced Implementing Guidelines of the Agricultural Competitiveness Enhancement Fund – Grants-in-Aid for Higher Education Program”, at sa availability ng slots/funds.
Gayunman, sinabihan ang mga CHEDROs na siguruhing ang mga hindi matatanggap na aplikante sa programa ay makatatanggap ng SMS, email, o snail mail upang ipaalam ang kinakabasan ng kanilang application, copy furnished sa OSDS.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE