NAPIPINTONG pasukin ng higit sa isang dosenang agricultural at seafood products ang merkado ng Russia ngayong taon sa pagsisimula ng negosasyon para sa General Scheme of Preferences (GSP) kasama ng Eurasian Economic Union (EAU).
Sinabi ni Trade Undersecretary Ceferino S. Rodolfo Jr. na ang pakikipag-usap ng GSP sa Russia ay nakahanda na sa ngayon, matapos ang ilang beses na kumperensiya sa pagitan ng Moscow at Maynila na nagsimula sa ating bansa, na subukan ang non-traditional market para makapag-export.
“We are eligible for a GSP in Russia, and we are now working on it given that it is an unpopular export destination for us,” lahad ni Rodolfo sa isang panayam.
Sinabi pa niya na may Philippine farm goods na puwedeng mai-export sa Russia ng walang tariffs, at ang problema lamang sa trade department ay kung paano tutugunan ang kakulangan ng kaalaman mula sa mga negosyong lokal tungkol sa potensiyal ng Moscow bilang export destination. Maliban dito, sinabi ni Rodolfo na dapat na matesting muna ng Moscow ang produktong pang-agrikultura ng Maynila sa ilalim ng kanilang sanitary measures.
“Russia has its own protocols in testing the quality and sanitation of agricultural products. It will only be done one time, and once it is finished, we can already export our goods there,” dagdag pa niya.
Ayon kay Rodolfo, pursigido ang Pilipinas na dalhin sa Russia ang fresh o dried bananas; mixed condiments at seasonings; pineapples; mangoes; mangosteen; fruit and vegetable juice, tulad ng unfermented pineapple juice; mucilage and thickeners; and jams and jellies. Dagdag pa rito, sinabi niya na ang Maynila ay naghahanap ng aangkatan ng frozen fruits and nuts; vegetable seeds; potato starch; and desiccated coconuts.
Maliban sa farm goods at spices, ibinunyag din ng trade official na ang Russia ay interesado naman sa pag-angkat ng frozen shrimps and prawns, frozen fillets ng catfish at tilapia, at tuna galing sa Pilipinas.
Kapag naisaayos na ang GSP sa EAU, sinabi ni Rodolfo na hindi lamang magkakaroon ang Maynila ng access sa merkado ng Russia, kundi sa merkado ng Armenia, Belarus, Kazakhstan at Kyrgyzstan. Ang halaga ng naitala ng International Monetary Fund na inilagay sa EAU’s GDP ay $4.47 trillion at GDP per capital na nagkakahalaga ng $24,800 noong 2016.
Inaayos ng Duterte administration ang trade relations sa mga non-traditional partners bilang bahagi ng self-styled independent foreign policy. Kasama rito ang pagpupundar ng mainit na pakikipagrelasyon sa mga bansang China, Russia, Turkey, Pakistan at iba pang ekonomiya na hindi pa nagiging significant trading partners ng Pilipinas nitong mga nagdaang taon. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.