NANGAKO si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na bubuhusan ng ahensya ng puhunan ang sektor ng agrikultura bilang suporta sa mga nasa industriyang ito lalo na para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.
Ito ang binigyang diin ni Laurel sa kanyang mensahe sa kanyang pagbisita sa Sentrong Pamilihan ng mga produktong agrikultural sa Sariaya, Quezon kamakailan.Ang Sentrong Pamilihan ay naitatag ng 2007 at nagsilbing sentro ng kalakalan ng mga gulay at iba pang produkto ng agrikultura sa Sariaya at iba pang karatig pook nito.
Sabi ni Laurel napakahalagang bigyan ng suporta ang mga magsasaka at mangingisda upang matulungan silang mapalago ang kanilang kabuhayan at produksyon na kinakailangan ng bansa kabilang na rito ang paglalagay ng mga trading posts na tulad ng
Sentro ng Pamilihan.
“Farming will be more sustainable if there are enough facilities that allow farmers to directly market their produce,”sabi ni Laurel.
Napag- alaman ng ahensya na lumakas ang kita ng mga lokal na magsasaka nang mabuksan ang naturang trading post.Malaking tulong anya sa mga magsasaka na may pingdadalhan sila at mga mangingisda ng kanilang mga produkto.
Sabi ni Laurel, nagsilbing inspirasyon sa mga namamahala ng ahensiya ang naging magandang resulta sa kalakalan ng agrikultura sa nasabing trading post, lalo na at ginanahan anya ang mga lokal na magsasaka na nasa naturang lalawigan sa kanilang paghahanapbuhay.
Dahil sa nakita nilang magandang resulta ng trading post sa naturang lalawigan, sinabi ni Laurel na pinaghahanda na niya ang Department of Agriculture (DA) ng national logistics plan na magkokonekta sa mga vegetable farms at ibang lugar bilang food hubs ng mga produkto ng agrikultura tulad ng Food Terminal, Inc. sa Taguig City.
“We will link vegetable farmers with the Taguig mega cold storage and continue to provide support and assistance in terms of transport so they can sell their produce at the right price,” sabi ni Laurel.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia