HINILING ng ilang grupo ng agri sector sa gobyerno na pigilan ang pag-aangkat ng mga pagkain dahil maaari naman itong isuplay ng ating mga magsasaka at mangingisda tulad ng gulay, isda at karne ng baboy.
Sa isang panayam, naglabas ng kani-kanilang hinaing ang grupo ng mga mangingisda tulad ng Pambansang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA-Pilipinas), Bantay Bigas, Amihan Peasant Women at ang farmers group, ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Samahang Industriya ng Agrikultra (SINAG) sa administrasyong Duterte at Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Fernando Hicap ng PAMALAKAYA, “we have reached the greatest irony in our history where despite being archipelagic country blessed with abundant marine species, we are importing fish from countries which are illegally poaching in our waters in the first place. It’s not true that the retail price of fish in the market dropped with the importation of fish and aquatic products. What’s consistent in being low is the farm gate price of galunggong from local fisherfolk, which is as low as P60.00 to P70 per kilo and will further drop in the next days.”
Katulad na lamang ng planong mag-angkat ng isdang galunggong na kaya namang i-prodyus ng ating mga mangingisda.
Sinasabing sa kabuuhang bilang ng pagtaas ng porsiyento ng mga bilihin sa nakaraang 9 na taon, ito na ang pinakamataas na bilang na aabot sa 6.4%.
Ayon pa sa pahayag ng iba’t ibang grupo, dapat umanong tulungan o suportahan na lamang ng administrasyon ang mga magsasaka at mangingisda lalo na sa modernisasyon ng kanilang mga gamit na pangsaka at bantayan naman ang lugar na nasasakupan para sa mga mangingisda nang hindi sila naaagawan ng kanilang mga huli.
Dapat din umanong pigilan ang pag-aangkat ng iba pang pagkain dahil kaya naman natin na mag-produce ng kakailanganin ng mga Filipino.
Ayon pa kay Atty. Vergie Suarez ng Kilusan para sa Bansang Demokrasya, “Kulang ba tayo sa isda para mag-import pa ng galunggong? Sapat ang ating kalupaan kung tutuusin para magkaroon ng tiyak na pagkain ang mga Filipino.
Ang kulang sa ating mga magsasaka at mangingisda ay suporta, subsidy at tiyakin ang modernisasyon. Mga teknoloyohiya ang kulang, e. Hanggang ngayon, napaka-backward pa rin ng ating pagtatanim kaya mahina ang produksiyon. Tiyakin natin ang produksiyon, hindi tama na iaasa natin ang sikmura natin sa mga banyaga. Dapat alisin ang kaisipang hindi natin kayang mag-produce ng ating pagkain.” PAULA ANTOLIN
Comments are closed.