PATULOY na tumataas ang bilang ng mga nawawalan ng trabaho sa sektor ng agrikultura, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA, sa nagdaang dekada ay nasa 2.03 milyon ang kabuuang bilang ng mga nawalan ng kayod sa agrikultura.
Mula sa 12.03 milyon noong 2008 ay bumaba sa 10 milyon ang bilang ng trabaho sa agrikultura noong 2018, habang noong Enero 2019 ay may 9.142 milyong trabaho sa agrikultura ang naitala ng PSA.
Naniniwala si Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay na ang mga nagdaang bagyo ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga trabaho sa agrikultura.
“Binagyo po tayo ni Usman noong December and malaking bahagi po sa northern part of the country ang apektado rito. May-roon ding kaunti sa Visayas,” wika ni Tutay.
Paliwanag naman ng Department of Agriculture (DA), hindi maiiwasan ang patuloy na pagbaba ng mga nawawalan ng trabaho sa agrikultura lalo at sinisimulan na ang paggamit ng mga makabagong makinarya sa pagsasaka.
“As we modernize Philippine agriculture, the decline in the labor force is expected because mechanization is an inherent element of the modernization process. A single machine displaces several laborers,” ayon sa DA.
Comments are closed.