NAGBUKAS ng pintuan sa local at foreign trade buyers at food enthusiasts ang pinakamalaking international food fair sa bansa nitong nakaraang Mayo 24-26 yers and food na ginanap sa World Trade Center Metro Manila (WTCMM).
Tampok ang Premium 7 (coffee, cacao, coconut, mango, banana, pineapple, tuna) at Rising Stars (heirloom rice, calamansi, ube, pili nut, turmeric, malunggay, muscovado sugar, tamarind, dalandan) sa Philippine food export industry, nagbigay ng kasiyahan ang IFEX Philippines sa kanilang mga bisita sa kanilang iba’t ibang components at special settings na dinisenyo para pagtuunan ang handog na pagkaing Pinoy, mga sangkap at mga lutuin.
Inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ini-handog ng IFEX Philippines NXTFOOD ASIA ang pinakahuling trend sa pagkaing Pinoy sa tradeshow.
Kasama ang mahigit na 600 exhibitors at tatlong buong araw ng iba’t ibang pagtikim sa mga klase ng pagkain, nag-host din ang IFEX Philippines food export seminars handog ang tracks tungkol sa agri-investment at foreign market entry requirements.
Ang mga libreng seminar ay isinagawa ng mga eksperto sa industriya at mga pangunahing practitioners na nagbahagi ng kanilang nalalaman sa lat-est trends, mga pagbabago, at best practices sa food exporting at servicing sector.
KNOWLEDGE SHARING SESSIONS
Nagkaroon ng Agribusiness Investment Forum noong unang araw ng food fair mula sa Department of Agriculture’s Agribusiness and Marketing Assistance Service (DA-AMAS). Tumalakay ito sa pig husbandry, goat production at natural farming. Kasama rito ang agri-investment forums, at nag-tampok din ng Market Entry Requirement Tracks para sa merkado ng UK at China ganu’n din ang pag-uusap sa market value-adding concepts.
Tinalakay ng ikalawang araw ang isa pang round ng Agri-investment Forums na sakop ang aquaculture, agri-technologies, high-value crops at cacao production. Dagdag dito, nag-host din ang IFEX ng forum na nakapokus sa The Business of Cacao na may mga panellist mula sa Philippine at Europe-an cacao industries. Nagkaroon ng ibang market entry requirement track na nagpaliwanag ng Australia’s Food Regulatory System at Export Require-ments. Nagtapos ang ikalawang araw ng seminar ng track discussing kung paano ang mga negosyante hahawak ng tama at mamamahala ng kanilang intellectual property rights.
Nadiskubre ng stakeholders ang pinakahuling trends sa merkado sa food exporting industry sa knowledge-sharing sessions ng IFEX Philippines NXTFOOD ASIA.
Binisita ng mga nagtungo sa event ang featured special settings at nakisali sa iba’t ibang food-tasting activities na handog ng Food Philippines, Asian Food Champions, Islands on a Plate, Flavors and Spices Garden, The Cold Room: Seafood at Sub-Zero, Philippine Cacao and Tropical Wines and Spirits.
Kasama rin sa nag-organisa ng edisyon ngayong taon ang DTI Micro, Small and Medium Enterprise Development (MSMED) Council, Department of Agriculture (DA) at ang Philippine Exporters Confederation, Inc. (PHILEXPORT).
Para sa mga karagdagang impormasyon visit http://www.ifexphilippines.com/en/.
Comments are closed.