AGRICULTURE, ECONOMICS SCHOLARSHIP PROGRAM

Secretary Carlos Dominguez III

TARGET ng Department of Finance (DOF) ang magkaroon ng scholar exchange program sa Israel na nakatuon sa agrikultura at ekonomiya.

Ayon sa DOF, tinalakay ni Secretary Carlos Dominguez III kay Israel Ambassador Ephraim Ben Matityau ang ideya na ­palawakin ang scholarship ­programs ng ahensiya at isasama ang ­Israel.

“I want to step up our scholarship program which we pay for to send our students abroad. So far we have sent them to the US, Austra­lia, and the UK. We also sent them to Japan and Korea,” wika ni Dominguez.

“I want to expand. We will explore that with your staff. I want to look at an agri-economics program, at finance and economics for DOF personnel who can be sent to Israel,” pahayag ni Dominguez kay Matityau.

Pinuri naman ng Israeli envoy ang panukala at sinabing ito marahil ang  pinakamahalagang kontribusyon na kanilang maibibigay sa paraan ng exchange at partnerships.

Noon lamang nakaraang linggo ay ibinaba ng Asian Development Bank (ADB) ang economic growth forecast nito para sa Filipinas sa harap ng lumalaking trade gap ng bansa at ng paghina ng agriculture sector.

Sa datos na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang sektor ng  agrikultura ay lumago lamang ng 0.2 percent sa second quarter ng taon, kumpara sa 6.8 percent sa services sector at sa 6.3 percent sa industry sector.

Comments are closed.