AGRIKULTURA HALOS ISANG PORSIYENTO LAMANG ANG INILAGO NOONG 2018

Agriculture Sec Manny Piñol

LUMAGO sa halos karampot na isang porsiyento ang farm sector noong 2018, mas mababa sa nagdaang taon dahil sa dinaanang sunod-sunod na bagyo na nagdala ng pinsala sa mga pananim, ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol.

Hindi nakuha na sektor ng agrikultura ang paglago na target ng ahensiya noong 2018 dahil sa halos 12 bagyo ang dumaan sa bansa. Mas mababa ito sa 3.9 porsiyento na pagpapalawak noong 2017, pahayag ni Piñol.

“You have to take into consideration that it was a bad year,” sabi niya. “You have factors in agriculture that cannot be controlled. Can you stop Ompong and Usman?”

Pinatungkulan ni Piñol ang dalawang malalakas na bagyo na nagpabaha sa mga sakahan lalo na sa pagtatapos ng taon.

Bilang pagtugon sa naunang pahayag ni Budget Secretary  Benjamin Diokno na ang agrikultura ay tinaguriang  “weakest link” na sinabi umano ni Presidente Rodrigo Duterte, pahayag ni Piñol na hindi iyon ang salita ng  chief executive.

“The President never used the word the weakest link but he urged us to work harder, implement more reforms in agriculture,” sabi ni Piñol.

Sinabi ni Piñol na ang budget ng kanyang departamento ay nabawasan hanggang P55 bilyon noong 2017 mula sa P65 bilyon ng 2016. Sa kabila ng pagbabawas, ang paglago ng 2017 ay nasa 3.9 porsiyento.

“The words ‘weakest link’ would only be defined by how much you invest in agriculture,” sabi niya.

“Even if you do the right things, the fruit trees would just not bear fruit. There are factors in agriculture that cannot be quantified,” dagdag pa nito.

Comments are closed.