AGRIKULTURA SA BULACAN PAUUNLARIN

INIHAYAG ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang kanyang mga plano sa hinaharap para sa sektor ng agrikultura sa nasasakupan upang mapabuti ang seguridad sa pagkain sa ginanap na “Awarding and Distribution of High Value Crops Development Program (HVCDP) Interventions for Farmers Affected by Typhoon Quinta and Ulysses” sa loob ng Capitol Compound sa lungsod na ito.

Maliban sa Farmer’s Training School, binanggit din ni Fernando ang plano na pagtatayo ng Bulacan Farmer’s Productivity Center at Provincial Government Multiplier and Breeding Center sa isang 25-ektaryang lupa na matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad upang ihanda ang mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

“We need to improve our agriculture. Palalakasin natin ito at hihikayatin ang mga kabataan na mag-focus sa farming. Kailangan natin palakasin ang agrikultura at ang pangingisda dahil iyan lamang ang pagkukuhanan natin in case of emergency. Kailangan natin tutukan ang pagkain: ang gulay, palay, bigas, hayop at isda,” anang gobernador.

Nanawagan rin siya sa mga magsasaka na ituro sa kanilang mga anak ang pagsasaka upang masustena ang sektor ng agrikultura.

“Hindi pwedeng puro abroad. Nasa Bulacan po ang yaman. Kung magsisikap po tayo pare-parehas, hindi tayo magugutom. Wag po kayong mag-alala, nakaalalay ang Provincial Government sa inyo at tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya,” aniya.

Namahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng walong yunit ng Shallow Tube Well sa walong Farmers Cooperative Associations (FCAs); at 71 piraso ng Fish Coolers sa 6 FCAs.

Gayundin, tumanggap ang 14 FCAs ng 590 Plastic Crates; at 14 FCAs pa mula sa 14 na bayan ang binigyan ng iba’t ibang buto ng gulay mula sa pondo ng Kagawaran ng Agrikultura. MARIVIC
RAGUDOS

79 thoughts on “AGRIKULTURA SA BULACAN PAUUNLARIN”

  1. Get information now. Prescription Drug Information, Interactions & Side.
    top ed drugs
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Everything about medicine.

Comments are closed.