AGUEDA KAHABAGAN HENERAL NG KATIPUNAN

HINDI siya gaanong kilala ngunit si Agueda Kahabagan ay kaha­lintulad ni Joan of Arc sa mga rebolusyunar­yong Tagalog. Walang gaanong kwento tungkol sa kanyang background ngunit siya ay nagmula sa Santa Cruz, Laguna.

Dahil sa husay niya sa pakikipaglaban, siya ay naging heneral. Si Gene­ral Pio del Pilar ang nag­rekomenda ng kanyang promotion kay Emilio Aguinaldo, na pormal naman siyang kinilala noong January 4th o April 6th of 1899. Sa totoo lang, siya ang kaisa-isang general ng armed forces ng Katipunan na natala sa kanilang listahan sa isang pagpupulong noong 1899.

Isa sa pinakamatindi niyang laban ay naganap sa San Pablo, Laguna noong October 1897 nang atekihin nila ang garrison ng mga Kastila sa pamumuno ni General Artemio Ricarte. Kilala siya dahil lagi siyang nagsosoot ng puti tuwing makikipaglaban na ang mga sandata at ripple at mga gulok.

Noong panahon ng mga Americano, nagpatuloy siya sa paglaban para sa kalayaan. Kinumisyon siya ni Miguel Malvar para mamuno sa detachment forces at sumapi rin sa kanya si General Pio del Pilar sa pakikipaglaban sa mga Americano sa Southern Tagalog region. Nahuli siya ng mga Americano noong January 1902 at kung anuman ang nangyari sa kanya mula noon ay walang nakakaalam. – SHANIA KATRINA MARTIN