ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II. bilang bagong commissioner ng National Police Commission (Napolcom).
Nagsilbi si Aguirre bilang kalihim ng DOJ sa mga unang taon ng administrasyong Duterte hanggang 2018.
“This bodes well in his new position to make the police service competent, effective, credible and responsive to our people’s needs,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Si Aguirre ay matatandaang nadawit sa isyu ng “pastillas scheme” o ang panunuhol ng mga Chinese sa mga tiwalang opisyal para makapasok sa Filipinas at makapagtrabaho sa POGO.
Comments are closed.