AHANMISI BALIK SA PBA FINALS

MAKALIPAS ang walong taon ay balik si Maverick Ahanmisi sa PBA finals.

Ang Fil-Am guard ay muling magkakaroon ng pagkakataon na magwagi ng championship makaraang maisaayos ng Barangay Ginebra ang best-of-seven duel sa TNT para sa Governors’ Cup crown.

Si Ahanmisi ay gumanap ng malaking papel sa pag-usad ng Kings sa finals kung saan nagtapos siya na may team-high 25 points upang pataubin ang San Miguel Beermen sa Game 6 ng kanilang semifinals series, 102-99, noong Linggo ng gabi sa harap ng full-packed crowd sa Araneta Coliseum.

Bumuslo siya ng 3-of-6 mula sa three-point line at gumaw ng 11 sa second quarter upang tulungan ang Ginebra na makadikit sa San Miguel sa first half.

Mula roon ay nagtuwang sina Justine Brownlee at Japeth Aguilar upang lumamang ang Kings at tapusin ang laro at ang serye sa 4-2.

Ang Game 1 ng title series ay nakatakda sa Linggo (Oct. 27) sa Ynares Center sa Antipolo.

Ang 33-anyos na si Ahanmisi ay nasa finals sa unang pagkakataob habang naglalaro para sa Barangay Ginebra, subalit sasabak sa kanyang unang championship magmula nang maging bahagi ng Rain or Shine team na naghari sa 2016 edition ng Commissioner’s Cup.

“It’s been a while. Definitely excited to be back in the finals. It’s been a long time coming,” sabi ni Ahanmisi, kinuha ng Kings bilang unrestricted free agent sa pagsisimula ng Season 48 matapos ang two-year stint sa Converge.

“I’m just glad we made it here. It was a tough series. It’s a tough playoffs so far, but I’m glad we stuck together and finally got the win.”

Nakumpleto ng Ginebra ang three-game sweep sa Meralco sa quarterfinals, bago dinispatsa ang Beermen.

Ngayon ay ang top seeded Tropang Giga ang susunod para sa Kings sa kanilang kampanya na mabawi ang parehong korona na naagaw sa kanila ng TNT noong nakaraang taon.

“The job’s not done yet. We’ll see what we can do in the finals,” sabi ni Ahanmisi sa matchup ng Kings sa Tropang Giga.
CLYDE MARIANO