AHENSIYANG TUTUTOK SA PAGPAPATUPAD NG ANTI-AGRI ECONOMIC SABOTAGE IMINUNGKAHI

Iminungkahi ng grupong Philippine Chamber of Food and Agriculture Inc. (PCFAI) sa pamahalaan ang pagtatatag ng isang ahensiya na tututok sa pagpapatupad ng Anti Agricultural Economic Sabotage Act upang tuluyan nang masawata ang  smugglers, hoarders at profiteers sa mga illegal na gawain nito na may masamang epekto sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ayon kay Danilo Fausto, Presidente ng PCFAI mas makatutulong  kung magkakaroon ng isang puwersa sa naturang batas na nakatutok lamang sa pagpapatupad nito.

“Masaya kami dyan sa batas.Siguro matatakot na yung mga smuggler, yung hoarders, yung proifiteers,na yan dahil sa batas na yan.Kasi habambuhay at saka non-bailable ang parusa. Tapos five times ng value ng kanilang smuggled goods ang multa nila.Pati yung mga nagkakanlong n’yan.Yang mga financier, yung mga storage facilities, yung mga trucking at broker/Meron silang 20 to 30 years na pagkakakulong dyan,”sabi ni Fausto.

Bukod d’yan, maaari naman aniya ang Pangulo ang  maglabas ng administrative order para bumuo ng implementing agency na siyang direktang magrereport kaugnay sa pagpapatupad ng naturang batas.

“Ang aming agam-agam nyan sa  katotohanan, masyadong heavyweight yung advisory board, yung advisory council.Tinitingnan namin kung sana puwede magkaroon ng implementing agency para yung convergence ng different departments na yan mapag isa. Kasi  puro heavyweights e ..maraming ginagawa yan.Will report directly to the president.Wala sa batas kasi yun.Pero puwede namang mag execute ng administrative order ang presidente to create that office,”sabi ni Fausto.

Sa gitna nito, tiniyak naman ni Fausto na patuloy  ang pakikipag-ugnayan nila sa pamahalaan para sa anumang tulong na kakailanganin para sa kanilang grupo.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia