(Ahente ng Chinese government) EX-TOP AIDE NG GOVERNOR NG NEW YORK ARESTADO

ARESTADO ang dating top aide ni New York Go­vernor Kathy Hochul (Democrat) simulan noong Sept. 2021 makaraang matuklasan ng FBI na isang secret agent ng pamahalaang Chinese nitong Martes.

Base sa ilang ulat ng news agency, ang 41-anyos na suspek na si Linda Sun ay inakusahang ginamit nito ang kanyang pagiging high-ranking positions sa state ng New York para maging spy ng pamahalaang Tsina at Chinese Communist Party kapalit ng milyong dolyares na ginamit sa pagbili ng kanilang bahay sa Long Island, milyong condominium sa Honolulu, at mga luxury car kabilang na ang 2024 Ferrari.

Maging ang kanyang 40-anyos na mister na si Chris Hu ay inaresto na rin ng FBI sa kasong money laundering conspiracy, conspiracy to commit bank fraud at misuse of means of identification habang si Su naman ay kinasuhan ng paglabag sa Foreign Agents Registration Act, visa Fraud, alien smuggling at money laundering.

Base sa ulat, kapwa iniharap sa prosecutors office noong Martes ng hapon at itinanggi naman ang kasong isinampa sa kanila ng FBI kung saan nakatakdang pansamantalang palayain si Sun makaraang mag-bond ng $1.5 milyon habang si Hu ay $500,000 bond.

Samantala, sa loob ng anim na linggo bago maganap ang pag-aresto, ginalugad ng mga FBI agent ang $3.5 mil­yong halaga ng bahay ng mag-asawa sa community sa Manhasset sa Long Island kung saan natuklasan ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang Tsina at Chinese Communist Party.

Magugunita na si Sun ay naging staff ng state go­vernment sa loob ng 15 taon sa posisyong administration ni dating NY Gov. Andrew Cuomo bago maging deputy chief of staff ni NY Gov. Hochul kung saan nagsilbi rin itong deputy secretary sa state Labor Department.

Ayon sa tagapagsalita ni Hochul, si Linda Sun ay sinibak sa tungkulin noong Marso 2023 dahil sa madiskubreng misconduct kung saan kaagad na ipinagbigay-alam sa FBI kaya inilatag ang kaso kabilang na ang pagharang nito sa kinatawan ng Taiwan na kausapin ang high-ranking opisyal ng New York state.

Lumilitaw din sa 64 pahinang indictment laban kay Sun, binabago nito ang mga importanteng mensahe laban sa Chinese government kung saan tinulungan si Sun ang mga opisyal ng Tsino na makapunta sa U.S. para makausap ang ilang New York official sa pamamagitan ng invitation letters mula sa high-level state officers na walang pahintulot.

MHAR BASCO